PRESYO NG MANOK, GULAY AT ISDA SUMIPA

MANOK-ISDA-GULAY

TUMAAS ang presyo ng manok, maging ng ilang gulay at isda habang bumaba naman ang presyo ng baboy sa Muñoz Market sa Quezon City.

Narito ang pagsirit sa presyo ng mga gulay:

Repolyo, P100 bawat kilo na dating P70 bawat kilo; talong, P100 bawat kilo na dating P60 kada kilo; patatas, P120 bawat kilo na dating P80 kada kilo; petsay, P100 bawat kilo na dating P80 kada kilo.

Bahagya namang bumaba ang pres­yo ng sayote, na nasa P40 kada kilo mula P50 kada kilo. Nasa P70 kada kilo naman ngayon ang petchay Baguio mula P80 kada kilo.

Sa presyo naman ng mga isda:

Galunggong, P140 bawat kilo mula sa dating P120 kada kilo; alumahan,  P240 bawat kilo na dating P220 kada kilo; salay-salay,  P160 bawat kilo mula sa dating P140 kada kilo; dalagang bukid,  P240 bawat kilo mula sa da­ting P200 kada kilo;  matambaka, P200 bawat kito mula sa dating P160 kada kilo. Tawilis, P120 bawat kilo mula sa dating P100 kada kilo.

Nasa P170 kada kilo ngayon ang presyo ng manok mula sa P150.

Sumadsad naman sa P180 hanggang P190 kada kilo ang presyo ng karneng baboy mula P200 hanggang P210.

Comments are closed.