INAASAHANG bababa at magiging matatag ang presyo ng karne ng manok sa mga susunod na araw.
Ayon kay Department of Trade And Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, dahil mataas ang presyo ng manok ngayon, marami ang magpapalaki nito na magreresulta sa pagdami ng suplay nito sa palengke sa mga susunod na buwan.
Sa kasalukuyan ay nasa P160 hanggang P170 ang presyo ng kada kilo ng manok sa Mega Q Mart sa Quezon City.
Pero ayon sa DTI, dapat ay P150 lang ang halaga nito kada kilo dahil nasa P92 hanggang P100 lang ang farmgate price ng manok.
Ayon sa United Broiler Raisers’ Association (UBRA), isang grupo ng poultry producers, bumaba ang suplay ng manok mula sa local farmers dahil marami ang hindi muna nag-alaga nito dahil nalulugi sila sa rami ng supply na imported na chicken meat.
Tiniyak naman ng ahensiya na mahigpit nilang mino-monitor ang price movement ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Comments are closed.