“KULANG sa suplay ng manok!”
Ito ang hinaing at dahilan ng mga tindera sa Pasay City Public Market kung kaya’t nagtaas sila ng P10.00 sa kada kilo ng kar-neng manok ngayong araw.
Ayon sa report, narito ang kasalukuyang presyo ng manok:
P170.00 (buo) – mula sa dating presyo na P160.00; P180.00 choice cut –dating P170.00.
Kapansin-pansin din na maliliit ang mga manok ngayon, dahil kahit hindi pa nasa hustong laki ay hina-harvest na ang mga ito para may maisuplay sa mga palengke.
Inaasahan pang tataas ang presyo ng karneng manok hanggang bagong taon.
Samantala, mababa pa rin ang presyo ng baboy, ngunit ayon sa mga tindera, kahit papaano ay nabibili na ang kanilang mga panindang karne ng baboy dahil hindi na anila napag-uusapan sa balita ang tungkol sa African Swine Fever (ASF).
Narito naman ang presyo ng baboy bawat kilo:
Laman – P180.00; pork chop, pigue at kasim–P180.00; liempo – P240.00; pata -P165.00 (harap) at P120.00 (likod).
Comments are closed.