PRESYO NG MGA BILIHIN BUMABA SA ISANG PAMILIHAN SA QC

KAMUNING PUBLIC MARKET

BUMABA nitong Lunes ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa merkado, partikular sa Kamuning Market sa Quezon City.

Sa pag-iikot sa Kamuning Market, nabatid na nasa kalahati ang ibinaba ng presyo ng siling labuyo, na ngayon ay nasa P400 kada kilo mula sa dating P800 kada kilo.

Bumaba naman sa P80 kada kilo ang presyo ng repolyo at carrots mula sa dating P120 kada kilo.

Ang ibang gulay gaya ng patatas at sibuyas ay natapyasan ng P10 hanggang P20.

Nasa P60 kada kilo na lang ang petchay baguio mula sa dating P90 kada kilo.

Bumaba na sa P160 kada kilo ang presyo ng bangus at galunggong na dati ay nasa P200 kada kilo at P180 kada kilo, ayon sa pagkakabanggit.

Natapyasan din ang presyo ng mga isdang tilapia, tulingan at tawilis.

Nasa P1 hanggang P2 naman ang nabawas sa presyo ng commercial rice.

Comments are closed.