UNTI-UNTI nang sumisipa ang presyo ng bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila ilang araw bago sumapit ang Undas.
Ayon sa report, lumalabas na bahagya o doble ang taas-presyo ng ilang bulaklak sa nasabing pamilihan.
Ayon sa ilang tindero, posible pang tumaas ito sa Miyerkoles hanggang Nobyembre 1, depende sa magiging epekto ng bagyong Rosita sa Hilagang Luzon, na pinanggagalingan ng ilang bulaklak na binebenta sa Undas.
Narito ang presyo ng bulaklak sa Dangwa:
Gerbera at carnation→ P200 bawat bundle (mula P180); Roses→ P680 bawat bundle (mula P650); Malaysian Mums→ P150 kada kalahating dosena (mula P100 kada tali); Orchids→P200 bawat bundle (mula P100); Sunflower→P170 bawat piraso (mula P120); Yellow Winds→ P150 bawat bundle (mula P130); Pink Buttons→P150 bawat bundle (mula P130);
Stargazer→P150 bawat piraso (mula P130 bawat stem); Paper Roses→P650 bawat bundle; Malaysian Mums (assorted)→P160 bawat bundle; Paper Roses→P650 bawat bundle; Berries→P180 bawat bundle; Torch→ P100 kada 3 piraso.
Flower arrangement :
Base flower arrangement→P600; Basket arrangement→P100 pesos maliit (Malaysian Mums at Carnation);
Medium Basket→P200; arrangement (Malaysian mums at sunflower) →P600.
Comments are closed.