HINDI magkakaroon ng pagtaas sa presyo ang NFA rice.
Ayon sa National Food Authority, mananatili sa P27 kada kilo ang presyo ng regular-milled variety ng NFA rice, habang P32 ang kada kilo ng well-milled variety sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng NFA na huwag magtaas ng presyo ng bigas na galing sa ahensiya.
Nauna na ring binalaan ng Pangulo ang mga rice trader sa bansa na huwag magsamantala sa taas-presyo dahil mahaharap sa parusa ang sinumang lalabag dito.
Sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan ay naghahanda na ang NFA na mapunan ang kanilang buffer stock para may magamit sa pagtama ng kalamidad gaya ng bagyo.
Samantala, hinikayat ng NFA ang publiko na magsumbong sa kanilang opisina laban sa mga magtataas ng presyo ng NFA rice. DWIZ 882
Comments are closed.