PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS TATAAS

NOCHE BUENA

MAGMAMAHAL ng tatlo hanggang walong porsiyento o halos  P0.70 ang Noche Buena items ngayong taon kumpara sa nagdaang taon, paha­yag ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Group Ruth Castelo noong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Castelo sa isang panayam na ito ay dahil sa mataas na gastos sa produksiyon ng lahat ng pagkaing pang-Noche Buena, dala ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang pagtaas ay bahagi na rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

“Halo-halo na po, pati bigas, gulay,” ani Castelo.”

Umapela si Castelo sa mga negosyante na nagtitinda ng agri-products na pigilan muna ang pagtataas nila ng kanilang presyo, sabay diin na ang broiler raisers at growers ay pawang “bukas” sa pag-aaplay ng suggested retail price (SRP) para sa manok.

“Kung puwede naman po, kung meron mang pagsasamantala, tanggalin na muna nila at least at this time,” sabi ni Castelo.

Nananawagan ang mga ekonomista na iurong ang probisyon ng TRAIN law sa gas at iba pang pangunahing bilihin para mapagaan ang epekto ng tumataas na inflation sa mga Filipino.

Nanindigan ang Malacañang sa kanyang desisyon na balewalain ang payong ito, na ibinigay ni dating DILG Secretary Mar Roxas, dahil ang economic team ng gobyerno ay nakapagbigay ng suhestiyong ito nang una pa lamang.

Comments are closed.