PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS NAKAPAKO NA

Undersecretary Ruth Castelo

HINDI na mababago at nakapako na ang presyo ng noche buena products hanggang sa matapos ang panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo, Spokesperson ng Department of Trade and Industry (DTI), bahagya nilang dinagdagan ang presyo ng noche buena products dahil sa pagtaas ng raw materials bago ginawa ang SRP o suggested retail prices.

Kabilang sa mga hindi dapat gumalaw ang pres­yo ngayong Kapaskuhan ay ang hamon, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, queso de bola, pasta, spaghetti sauce, tomato sauce at cream.

“Usually ang mga produkto na ito hindi talaga gumagalaw ang pres­yo nag-i-stay siya year on year so last year, ‘yung October prices nila medyo ginalaw lang natin ng kaunti dahil sa raw materials, krudo etc., gumalaw ng bahagya so next year naman natin ine-expect ‘yan na gumalaw ulit,” ani Castelo.

OIL EXCISE TAX

SAMANTALA, tiyak na bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sakaling suspendihin ang umiiral na excise tax sa petrolyo.

Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo, halos limang porsiyento ng kabuuang gastos sa pagbuo ng isang produkto ay sa distri-bution na ginagamitan ng petrolyo.

Gayunman, inamin ni Castelo na hindi naman lahat ng bilihin ay nababan­tayan ng DTI.

“Liliit ang cost, 5% din ‘yun kung lumiit po ‘yun talaga ay mararamdaman po ‘yun sa produkto. ‘Yung basic necessities and prime commodities nakabantay po ‘yan sa amin, kaya lang ‘yung ibang consumer goods outside ay hindi na po nababantayan ng DTI pero kailangan po naming dagdagan, i-intensify ‘yung pag-advertise at pag-kampanya na kailangang ibaba,” pahayag pa ni Castelo.

Comments are closed.