BUMABA ang average farm gate price ng palay sa mid-March ng 3 percent magmula nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbubukas sa local rice industry sa mas maraming imports.
Ayon sa Philippine Statistics Authorirty (PSA), ang average farm gate price ng palay hanggang noong ikalawang linggo ng Marso ay bumaba ng P0.60 sa P19.03 kada kilo, mula sa P19.63 kada kilo na naitala sa ikalawang linggo ng Pebrero, nang lagdaan ang rice trade liberalization (RTL) law.
Sa datos ng PSA, ito ang ika-9 na sunod na linggo na bumagsak ang farm gate price ng palay magmula nang mag-umpisa ang taon.
“The average farm-gate price of palay P19.03 per kilogram dropped further during the week by 1.91 percent from previous week’s quotation of P19.40 per kilogram,” pahayag ng PSA sa weekly report nito sa palay at corn prices, na nalathala noong Miyerkoles.
“Similarly, it decreased further by 6.39 percent from the same period of previous year’s level of P20.33 per kilogram,” dagdag pa ng ahensiya.
Sa reference period mula March 6 hanggang March 12, naitala ng PSA ang pinakamataas na farm gate price ng palay sa Eastern Visayas sa P26 ka-da kilo.
Naiposte naman ng state statistical agency ang pinakamababang farm gate price sa Soccsksargen sa P16.85 kada kilo.
Gayundin ay bumaba ang wholesale at retail prices ng well-milled rice (WMR) at regular-milled rice (RMR) sa weekly basis.
“From previous week’s level of P41.11 per kilogram the average wholesale price of well-milled rice at P40.79 per kilogram was lower by 0.78 per-cent during the week,” anang PSA.
“Likewise, the average retail price of well-milled rice at P44.42 per kilogram went down by 0.07 percent compared with previous week’s level of P44.45 per kilogram,” dagdag pa nito.
Ang wholesale price ng RMR ay bahagyang bumaba sa P37.31 kada kilo mula sa P37.59 kada kilo sa naunang linggo habang ang retail value nito ay bumagsak sa P40.40 kada kilo mula sa P40.60.
Gayunman, ang presyo ng dalawang varieties ay tumaas kumpara noong nakaraang taon.
Ang wholesale price ng WMR ay tumaas ng 0.37 percent mula sa P40.64 kada kilo noong nakaraang taon, habang retail price nito ay sumirit ng 2.4 percent mula sa P43.38 kada kilo na naitala sa kaparehong linggo noong 2018.
“Meanwhile, [wholesale price of RMR] rose by 0.67 percent from the same period of previosu year’s level of P37.06 per kilogram,” nakasaad pa sa report.
“[The retail price of RMR] exhibited an increment of 1.89 percent from previous year’s same week level of P39.65 per kilogram,” dagdag pa nito. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.