PRESYO NG PALAY BUMABA

palay

BUMABA ang presyo ng palay sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa unang linggo ng Hulyo, bumaba na sa 17.3% o ₱17.78 kada kilo ang farmgate price ng palay mula sa dating ₱21.50 per kilo sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Sa wholesale trade, ang average price ng well-milled rice ay bahagyang bumaba sa P39.26 per kilo habang nasa ₱35.40 kada ki-lo ang regular milled rice.

Sa retail trade, nasa ₱42.81 per kilo ang pres­yo ng well milled rice at ₱38.51 kapag regular milled.

Upang maprotektahan ang mga magsasaka sa pagbagsak ng pres­yo ng palay, hinimok ng Philippine Chamber of Agriculture & Food Inc. (PCAFI) ang gob­yerno na ipatupad ang safeguard measure sa ila-lim ng rice tariffication law.

Comments are closed.