TULUYAN pang bumagsak ang farm-gate price ng palay sa P15.83 bawat kilo nitong katapusan ng Setyembre.
Lumabas na base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang nabanggit na presyo ay pinakamababa sa nagdaang walong taon.
Nabatid na mas mababa rin ito ng 29.25 porsiyento kumpara sa presyo sa kaparehas na period noong nakaraang taon.
Ito na ang ikalawang linggo na ang farm-gate price ng palay ay umabot sa P15 kada kilo at ikalawa ring pagkakataon na humantong sa eight-year low.
Magmula nang naipatupad ang Rice Tariffication Law noong Marso, patuloy ang pagbulusok ng presyo ng palay.
Subalit hanggang sa ngayon ay wala pang naipapatupad naman ang pamahalaan na pang matagalan na solusyon upang maresolba ang naturang problema. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.