GOOD day mga kapasada!
Ang kinahaharap na krisis sa langis na pinalubha ng sunod-sunod na kalamidad na dinanas ng Filipinas tulad ng lindol, baha, sunog, pagguho, at ang banta sa seguridad ng bansa at maging yaong mula sa de-stabilisasyon plan ng ilan umanong politiko – ay nagdudulot ng tagilid at pahapay-hapay na ekonomiya ng bansa.
Sumisigaw ng ARAY ang tao sa taas ng halaga ng bilihin gayong wala namang kinikita ang ilang milyong UNEMPLOYED AT UNDER-EMPLOYED na manggagawa.
Luwa ang mata, payat, subalit malalaki ang tiyan ng mahihirap na Filipinong umaasa sa kakarampot nilang kinikita. Hindi makasunod sa presyo ng bilihin ang tinatanggap na minimum wage ng mga mang-gagawang umaasa lamang sa kakarampot nilang take home pay partikular ang mga kapasada na ang ikinabubuhay ng pamilya ay ang paggulong sa lansangan.
PRESYO NG LANGIS EPEKTO NG DEREGULASYON
Ang pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo ay dama ng karaniwang mga kapasada na ang hanapbuhay ay ang paggulong sa lansangan araw-araw.
Ayon sa mga pahayag ng iba’t ibang samahan ng mga Drayber tulad ng FEJODAP, AKTO, PISTON at iba pa, nagdudulot ng malaking sakit ng ulo ang pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo na ‘di kayang kontrolin ng ahensiya ng pamahalaan dahil epekto ito ng deregulasyon.
At sa pangyayaring ito, kahit wala kang sariling sasakyan, hindi ka rin ligtas dahil hindi maiiwasang gumamit ng anumang uri ng pampublikong sasakyan para makarating sa patutunguhan.
Binigyang linaw naman ng mga nasa kapangyarihang opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa indus-triya ng transportasyon na hindi raw maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang malaking dahilan nito ay ang deregulation na nasa kamay ng mga kompanya ng langis ang pag-tatakda ng sisingilin sa mga gumagamit ng produkto nila.
Ito ay ayon sa mga oil company na may pananagutan sa distribusyon ng petrolyo na ang siyang buod ng malayang kompetisyon, malayang makapipili ang publiko kung saan niya gustong magkarga ng gaso-lina sa makamumurang halaga, ngunit taliwas ito sa nagaganap na pangyayari sapagkat sa halip na kompetisyon ay may hinala ang consumer na mayroong sabwatan ang mga ito sa pagtatakda ng presyo sapagkat sabay-sabay kung magtaas ng presyo sa pare-parehong halaga.
Binigyan diin naman ng mga consumer, ng mga kinatawan ng iba’t ibang samahan o asosasyon ng jeepney drivers at operators na mayroon silang sapat na dahilan para batikusin ang malabong batayan ng mga oil company sa pagbabago sa presyo ng mga produktong kanilang ipinagbibili.
Ayon sa mga nasa industriya ng sasakyan, halos linggo-linggo ay tumataas ang presyo ng petrolyo ngunit parang patak ng ulan kung ito ay e-rollback sa kakarampot na sentimo.
Tuwing anilang napababalita ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa world market ay simbi-lis ng jet plane ang pagtataas ng presyo nito sa ating bansa at kasimbagal naman ng pagong ang pagbaba ng presyo nito sa lokal na pamilihan kapag nagkakaroon ng pagbaba ng presyo sa pandaigdi-gang merkado.
PAGTITIPID NG GASOLINA, NAPAPANAHON
Malapit nang dumating sa kamalayan ng oil consumers partikular sa mga drayber ng pampasadang sasakyan ang kinatatakutan ng marami – ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa halagang $100 kada bariles sa pandaigdigang merkado.
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis – mula sa dating $30 at $40 noong 2004, na umakyat sa $50 at 60 noong 2005, hanggang noong Nobyembre, 2007 na umabot $96 ay pinanawan na ang mga eksper-to ng pag-asa na ito ay bababa pa. At nagaganap na nga ang kanilang kinatatakutan sa galaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Ang prediksiyon kung ang galaw ng presyo ng petrolyo ay hindi magbabago, aabot sa Php50 kada litro ang gasolina bago matapos ang kasalukuyang taon. Dahil dito, ang tanging solusyon ay kailangang magtipid ang apektadong balana partikular ang mga kapasadang ang ikinabubuhay ay ang paggulong sa lansangan araw-araw para matugunan ang pangangailangan sa hapag kainan ng mag-anak.
Sa pakikipanayam sa isang service mechanic, narito ang ilang tips para makatipid sa gasolina:
1. Planuhing mabuti ang bawat lakad. Ang walang patumanggang pagbibiyahe ng walang tiyak na patu-tunguhan ay malaki ang nasasayang na gasolina lalo na kung paisa-isa lamang ang biyahe.
Higit na makabubuti aniya na mag-schedule ng mga lakad para isang pasada lang ang kailangan at bun-ga nito ay makatitipid ng halos kalahating konsumo ng gasolina.
2. Mag-commute na lang kung maaari. Sa mga solong lakad, higit na makapagtitipid ang sumakay sa mga common carrier tulad ng jeep, bus o kaya ay sa LRT at MRT kaysa gumamit ng sariling sasakyan,.
Makatitipid ng gasolina at bayad sa paradahan at higit pang mabilis na makararating sa paroroonan kung malapit lamang ang destinasyon ng patutunguhan.
Kung maaari, gumamit ng bisikleta o kaya ay maglakad na lamang kung kayang lakarin na bukod sa na-katipid ay nakapag-exercise ka pa o nagkaroon ka pa ng physical fitness na lubhang kailangan ng ka-lusugan.
3. Mag-carpooling kung maaari. Malaki ang matitipid sa carpooling. Kung may mga kaopisina kang de-kotse rin kung pumasok, bakit hindi mag-ambagan na lamang kayo sa gasolinang magagamit.
4. Kung hindi maiiwasan na hindi gamitin ang sariling sasakyan, makabubuti na umiwas na lamang sa mga rush hour. Malaking bahagi ng gasolina ang nasasayang (wasted) dahil sa trapik.
Kaya para maiwasan ang ganitong sitwasyon, bumiyahe ng maaga o kaya ay magpa-late ng uwi sa gabi.
5. Ipa-tune up ang sasakyan at regular na magpalit ng filter. Ang wala sa kondisyon at hindi makahingang makina ay malakas kumain ng gasolina – nagbubuga ng maruming usok na nagsisilbing polusyon sa kapaligiran.
6. Magkarga ng gasolina sa gabi at tiyaking mahigpit ang pagkakasara ng inyong fuel cap. Ang gasolina ay sumisingaw sa init gayundin unti-unti ring nauubos ito dahil hindi mahigpit o maluwag ang pagka-kasara ng fuel cap.
7. Iwasan ang pagiging kaskasero (speeding). Malakas kumain ng gasolina ang pasingit-singit sa mga sasakyan, pakikipagkarerahan (road race) at pakikipaghabulan sa traffic light. Maging suwabe sa pagda-drive at tiyak na makatitipid kayo ng konsumo sa gasolina.
8. Kung kayo ay may balak bumili ng sasakyan, pumili ng matipid sa gasolina. Ang lumang sasakyan ay mas malakas kumain (consume) ng gasolina kaysa mga bago, gayundin, ang malalaking SUV at mga de-sais o eight cylinder na kotse.
9. Subukan ang motorsiklo. Huwag matakot sa peligro ng pagsakay sa motosiklo. Delikado lamang ito kung hindi magsasanay at walang desiplina ang sasakay rito.
Kung may sapat namang pagsasanay at disiplina ang may-ari ng motor, tiyuak na ligtas ang kanyang biyahe at ang resulta ay tipid sa gasolina at time saving pa.
10. At panghuli, maghanap ng murang gasolinahan. Maraming gasoline station ngayon ang puwedeng pagpilian. May masyadong mataas at mayroon din namang mas mura. Hangga’t maaari, maghanap ng gasoline station na mas mura ang presyo.
Samantala, ayon naman kay Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau (DOE), ang price hike ay bunga ng mga kaganapan sa ibang bansa tulad ng paggalaw ng presyo sa pan-daigdigang merkado, kaguluhan sa Middle East at pagbaba ng produksiyon ng Venezuela.
PAGTAAS NG OIL PRICE SA WORLD MARKET, EXCISE TAX TULOY PA RIN
Sa kabila ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo at panawagan ng mga nasa industriya ng transportasyon, nanindigan ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi pa rin sususpendihin an probisyong excise tax sa langis ng Tax Reform on Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa kabila ng pagtaas pa ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Iginiit ni Finance Asec Tony Lambino na kapag hindi bumaba sa $80 per barrel sa loob ng tatlong magka-kasunod na buwan ang presyo ng Dubai Oil sa Mean of Platts Singapore kung saan nag-aangkat ang Filipinas ay saka lamang nila ire-rekomenda ang suspensiyon nito na siyang magiging epektibo naman sa itinakdang petsa ng pagtaas.
Batay sa itinatadhana ng TRAIN, madaragdagan pa ng Php2 ang kasalukuyang Php2.50 excise tax sa langis, pagpasok ng Enero 2019.
Samantala, kung hindi bumaba sa $80 ang presyo ng binibiling krudo ng Filipinas sa pagitan ng Oktubre hanggang Disyembre ay posibleng masuspende ang probisyon.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.