PRESYO NG PETROLYO INAASAHANG MAGIGING MATATAG MATAPOS ANG BIG-TIME HIKE — DTI

PETROLYO-21

INAASAHANG magi­ging matatag ang presyo ng petrolyo matapos ang sobrang pagtaas nito ngayong linggo, pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan.

“Ngayon lang ‘yun, pero kung tignan mo ‘yung world oil prices, which is an indication of the future prices dito, hindi siya sumipa pataas. Nag-steady siya,” sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang panayam noong nakaraang Go Negosyo Sign Up Summit 2019 sa Pasay City.

Nakatakdang magpatupad ang mga local na kompanya ng langis ng kanilang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa gasolina ng P2.35 kada litro, diesel ng P1.80 kada litro at kerosene ng P1.75 kada litro.

Ayon sa Department of Energy (DOE) sa kabila ng Saudi Arabia oil blast, may sapat na supply ng langis ang bansa.

Binigyang-diin lamang niya na maaring magkaroon ito ng impact sa local prices.

Sa parte naman ng Saudi Arabia, siniguro nila ang pandaigdigang merkado na ang full production ay maibabalik sa katapusan ng buwan.

“Parang nag-stabilize siya. Hopefully, magtuloy-tuloy kasi I think nagkaroon ng assurance na may supply. May supply naman, hindi naman naapektuhan long term ‘yung supply ng oil,” sabi ni Lopez.

“I hope it (prices) will start to go back ‘pag na-assure pa further ‘yung supply ng oil price, hopefully it will go back to the 60 (dollars per barrel) level and below,” pagpapaliwanag niya.

Pahayag ni Lopez na positibo siya na ang presyo ng langis maging lokal man o pangdaigdigan ay magiging matatag.

“With caution siguro, cautious optimism, kasi we have no control of the world oil prices. Med­yo maganda lang ‘yung naging development at least as of late last week, nawala ‘yung big concern,” sabi niya.

“From the supply and demand worldwide, parang hindi nagtuloy ‘yung super increase or drastic increase in world oil prices. It tempered,” dagdag pa ni Lopez.

Comments are closed.