MAGIGING masaya ang mga motorista sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw, na pangatlong linggo nang sunod-sunod na rollback sa presyo ng langis.
Sa isang abiso, sinabi ng SEAOIL Philippines Inc. na magbababa sila ng presyo ng gasolina ng P2.45 kada litro, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.60.
Magsasagawa ang Petro Gazz, PTT Petroleum Philippines Inc., TOTAL (Philippines) Inc., at Unioil Petroleum Philippines Inc. ng parehong adjustments, pero hindi sa kerosene—ang produktong hindi nila dinadala.
Ang pagbabago ng presyo ay magiging epektibo mula alas-6:00 ng umaga ngayong Martes, Hunyo 11, maliban sa SEAOIL na magpapatupad ng kanilang pagbabago ng presyo simula 12:00 am. ngayong araw.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum Philippines Inc. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. ng parehong fuel price adjustments.
Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina ay kasalukuyang nagkakahalaga ng mula P45.90 hanggang P55.73 kada litro, kerosene mula P45.12 hanggang P56.45, at diesel mula P40.35 hanggang P47.75.
Comments are closed.