MAY dagdag-bawas na naman na inaasahan sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.20 habang posibleng bumaba ng P1.50 hanggang P1.60 kada litro ang presyo ng gasolina.
Noong Martes, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P3.95, habang may bawas naman sa diesel ng P2.30 kada litro at kerosene ng P2.45 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litto ng gasolina ay tumaas na ng kabuuang P25.55, diesel ng P29.10, at kerosene ng P25.20.