NAG-ABISO ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong araw, Martes, Hunyo 18.
Nasa P0.35 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, at P0.20 dagdag sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng Shell, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, Total, Unioil, at Phoenix Petroleum.
Magtataas din ang Seaoil at Shell ng P0.25 kada litro ng kanilang kerosene.
Magiging epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga.
Comments are closed.