PRESYO NG PRUTAS TINUTUTUKAN

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng mga lokal na prutas sa gitna ng inaasahang pagtaas ng demand dahil sa pagdiriwang ng bagong taon.

Kabilang sa minomonitor ng kagawaran ang presyo ng pakwan, melon, pomelo, avocado, mangga, at papaya.

Batay sa monitoring ng DA sa mga pamilihan sa Metro Manila, naglalaro sa P60 hanggang P90 ang presyo ng kada kilo ng pakwan; P60 hanggang P140 ang kada kilo ng melon, habang ang presyo ng mangga ay umaabot ng P150 hanggang P300 ang kada kilo.

Tradisyon na para sa mga Pilipino ang paghahanda ng 12 bilog na prutas tuwing bisperas ng Bagong Taon dahil sa paniniwalang sumisimbolo ito sa kasaganaan at magandang kapalaran. DWIZ 882