BAHAGYANG tumaas ang presyo ng residential real estate sa huling quarter ng 2018, sa likod ng paglobo ng property prices sa National Capital Region (NCR).
Nagpalabas kamakailan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng updates sa residential real estate price index (RREPI) – isang inisyatibo ng central bank na opisyal na inilunsad sa kaagahan ng 2016.
Sa 2018 fourth quarter report ng BSP ay lumitaw na ang residential real estate prices ay bahagyang tumaas sa October to December period – sa 0.5 percent mula sa 5.7 percent increase noong nakaraang taon.
Samantala, ang index ay sumirit sa 118 mula sa 117.4 na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
“The RREPI measures the average changes in prices of different types of housing units over a period of time, where the growth rate of the index measures house inflation,” ayon sa BSP.
Ang konstruksiyon ng RREPI ay base sa approved housing loan applications ng mga bangko.
Ang residential real estate price growth sa fourth quarter ng 2018 ang pinakamabagal na price expansion para sa sektor magmula noong second quarter ng 2017 nang maitala ito sa 0.1 percent.
Sa kaagahan ng 2018, sinabi ng ilang international analysts na ang pagkakabantad ng mga bangko sa real estate ay isa sa mga panganib na dapat bantayan sa banking sector.
Partikular na sinabi ng Moody’s Investor Service na bagama’t ang asset quality ng mga bangko ay bumuti sa pinakahuling assessment, lantad pa rin sila sa potential risks, lalo na sa real estate sector.
Ayon sa BSP, ang paglago ng RREPI sa bansa ay sanhi ng pagtaas ng average residential prices sa NCR.
Ang average residential property prices sa NCR ay tumaas ng 1.6 percent year-on-year, habang ang mga nasa labas ng NCR ay bumaba ng 0.8 percent.
“In NCR, the rise in prices of single detached houses and townhouses more than offset the decline in prices of duplexes and steady prices of condominium units.
“Outside NCR, the decline in prices of single detached houses outweighed the increase in prices of duplexes, townhouses, and condominium units,” nakasaad pa sa report ng BSP.
Comments are closed.