INDIKASYON ng pag-unlad ang pagtaas ng hanggang 500% ang real properties sa key cities sa Mindanao partikular sa Davao City, ayon sa Chamber of Real Estate Brokers Association (Creba).
“What used to be P15,000 per square meter before is now 500 percent higher now and that you would find across cities in Mindanao,” ayon kay Ma. Lourdes G. Monteverde, National Chairperson for Ecozone Development ng Creba.
Dagdag pa ni Monteverde, ang iba pang real estate ay mas malaki ang iminahal depende sa lokasyon lalo na sa JP Laurel Avenue sa Davao City.
Ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng pagkahalal kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil marami ang naging interesado sa lugar upang itayo roon ang kanilang mga negosyo, mula sa agrikultura, edukasyon, turismo at manufacturing.
“The President has always been Davao City, and as of the trend by now, Mindanao’s biggest drawer of business and investments,” ayon pa kay Monteverde.
Dagdag pa ni Monteverde, naging masigasig ang business sector at nakikita ang pagbabago sa Mindanao.
“Sectors in the business and investment communities are now seeing differently the changes taking place in Mindanao and the increasing potential of the island as a huge market,” ayon pa kay Monteverde.
Kabilang naman sa mga nagtaas ng presyo ng lupain, bukod sa Davao City, ay sa Cagayan de Oro, Cotabato, Zamboanga at Butuan.
Inaasahan din na maging sa mga maliliit na siyudad sa Mindanao ay maaaring tumaas dahil napipisil din ito ng mga negosyante para pagtayuan ng kanilang korporasyon.
“They are all over in Kidapawan, Koronadal, Butuan, Surigao, in the Zamboanga Peninsula, and in these areas there are a lot of land banking going on,” dagdag pa ni Monteverde.
Ipinagpalagay naman na hindi nangamba ang Mindanawan nang ideklara ang Martial Law dahil ang epekto nito ay naging ligtas ang nasabing rehiyon na naging resulta para mas interesado roon ang mga negosyante.
Samantala, kamakailan ay umapela ang local government unit Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na simulant na ang paglalaan ng portion sa kanilang localities para sa economic zone bunsod ng dumaraming mga business foreigner na nagnanais mamuhunan sa nasabing lugar.
Dahil dito, ang PEZA at CREBA, kasama ang pamahalaan, ay nagsimula na ring mag-usap para mapabilis ang pagkakaroon ng lupain para sa itatayong korporasyon at pangangailangan sa manufacturing. AWI CAYON
Comments are closed.