DAHIL kinakapos na ang supply ng mga isdang tamban sa mga gumagawa at nagpo-proseso ng mga sardinas, nagbadya ng dagdag presyo ang Canned Sardines Association of the Philippines para sa mga delatang sardinas, simula unang araw ng Disyembre.
Ayon kay CSAP president Marvin Lim, magpapatupad sila ng hanggang P0.70 dagdag sa presyo ng bawat lata ng maliit na sardinas.
Bukod sa limitadong supply ng isda sa kanila ng mga mangingisdang Filipinong hindi na pinahihintulutan ng mga dambuhalang barkong pandigma ng China sa West Philippine Sea, sinisisi rin niya ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. FERNAN ANGELES
Comments are closed.