“DAPAT hindi lalagpas ng P120 ang kilo ng sibuyas sa merkado.”
Ito ang mariing sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang panayam kamakailan.
Ayon kay Speaker Romualdez, “mura ang kuha ng mga trader sa mga onion growers natin at mura rin ang bili ng importers ng sibuyas sa labas ng bansa.”
“Sa aming computation, dapat hindi na lalagpas sa P120 per kilo ang presyo ng sibuyas pagdating sa palengke dahil ang wholesale o puhunan ng mga traders diyan ay P90 a kilo, kasama na riyan ang transport cost at kita nila,” aniya.
Paliwanag pa ng lider ng Kamara, “may nagtatago na naman ng stock ng sibuyas kaya nagmamahal ito ngayon.”
Nabatid na sa ngayon, naglalaro ang presyo ng sibuyas sa P160 hanggang P190 ang kilo sa merkado.
“Wag na nila (hoarders) antayin na pasukin natin ang mga bodega o cold storage nila at kasuhan sila ng economic sabotage,” babala pa ni Romualdez.
Pinagsabihan din ng mambabatas ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na “trabaho ninyo itong magbantay ng presyo di ba? Gawin ninyo!!!”.