BAHAGYANG bumaba ang presyo ng sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.
Nabatid na nasa P330 mula sa P350 ang presyo ng kilo ng sibuyas partikular sa Mega Q Mart sa Quezon City at nasa P280 kada kilo sa bagsakan area malapit dito, bagaman P20 pa rin ang presyo ng kada piraso ng sibuyas sa ilang talipapa.
Bumaba rin ang presyo ng talong na nasa P100 kada kilo; ampalaya, P140.00; kamatis, P60; siling labuyo, P180 hangang P200; bawang, P90; at sitaw, P140 kada kilo.
Wala namang paggalaw sa presyo ng Baguio vegetables kung saan nasa P80 kada kilo ang carrots; patatas at pipino, P120; at repolyo, P80.
Samantala, mayroon nang mabibiling murang itlog na nasa P7.50 hanggang P7.80 ang isa.
DWIZ 882