PRESYO NG SILI SUMIRIT NG P600–P700/KILO SA NCR—DA

siling labuyo-2

MAAARING tumaas ang presyo ng siling labuyo ng hanggang P600 bawat kilo sa Metro Manila base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).

Pahayag ng DA na may mga lugar na nagbebenta pa ng mas mababa tulad ng P350 or P500 bawat kilo.

Bumibenta ang isang chili pepper ng P1 hanggang P2.

Ayon sa mga nagtitinda sa Kamuning market kumaunti raw ang supply dahil sa nagdaang bagyo.

“Market forces at hand. It’s a function of law of supply and demand,” paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar kamakailan.

“Kung hindi sila nagtanim early, male-late ‘yon. Baka magha-harvest pa, January,” dagdag pa ni Dar.

Nasa spotlight ang presyo ng sili noong nakaraang taon nang mag-viral ang larawan ng dapat na presyo ng chili pepper sa supermarket. Sinabi na-man ng sangay ng supermarket na ang larawan umano ay hindi tama.

Comments are closed.