PRESYO NG TINAPAY NANGANGANIB MAGTAAS

TINAPAY

HINILING ng Filipino Chinese Bakery Association na babaan ang tax sa asukal at harina para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng tinapay dahil ito ang pangunahing mga sangkap nito.

Patuloy na nagmamahal ang presyo ng harina na umabot na ngayon sa P700 hanggang P720 ang kada sako.

Malaki ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar dahil nag-iimport lamang tayo ng trigo sa ibang bansa.

“Imported ang ating trigo so if the exchange rate deteriorates the peso value falls then we will have to pay more for every ton of wheat that we import this will necessarily result in increased cost for flour because the millers will have to recover that cost of importation,’’ paliwanag ni Executive Director Ric Pinca ng Philippine Flour Millers Association.

Samantala, ang asukal naman ngayon ayon sa pagtatala ng Philippine Statistics Office (PSA), P58-P70 na ang presyo kada kilo ng refined sugar, P48-P60 naman ang kilo ng washed sugar, habang P42-P55 na ang kilo ng brown sugar.

Sa patuloy na pagtaas ng pangunahing sangkap ng tinapay, hindi umano malabong magkaroon ng pagtaas sa presyo ng bigas pero sinisikap ng Filipino Chinese Bakery Association na hindi magkaroon ng price adjustments hanggat kaya.

“As much as possible, no price adjustments. But if we do, around two to three percent only,’’ dagdag pa ng kanilang presidente na si Peter Fung. LYKA NAVARROSA

Comments are closed.