PRESYO NG YOSI TATAAS, DAGDAG NA BUWIS PIRMADO NA

YOSI

NILAGDAAN na kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagtataas sa excise tax sa tobacco products.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, isinabatas ni Pangulong Duterte ang panukala upang matugunan ang kagyat na pangangailangan na protektahan ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayang Filipino.

Inaasahang pupunan din ng batas ang funding gap sa pagpapatupad ng  Universal Health Care law,  na nasa P63 billion sa 2020.

Ang bagong batas ay nagpapataw ng dagdag na buwis na P45 sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng Enero 1, 2024.

Magiging P50 ito pagsapit ng taong 2021, P55 sa taong 2022 at P60 pagsapit ng 2023 at mula 2024 ay itataas ito ng limang porsiyento kada taon.

Bukod sa sigarilyo, papatawan na rin ng buwis ang vape o e-cigarettes at heated tobacco products.

Ang heated tobacco products at vapor products ay magbibigay ng karagdagang P2.1 billion sa inaasahang yearly revenues na P15 billion.

Samantala, 50% ng makokolektang buwis sa sigarilyo ay direktang mapupunta sa Universal Health Care Law habang ang 50% ay hahatiin sa mga LGU kung saan 70% dito ay sa mga bayan at munisipalidad at 30% ay sa mga probinsiya.

Comments are closed.