PRESYO, SUPPLY NG ISDA MAHIGPIT NA PINABABANTAYAN NI DUTERTE

DUTERTE-FISH KILL.jpg

MAHIGPIT na pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presyo at supply ng isda kaugnay sa fish kill na nangyari sa Taal Lake sa Batangas.

Ito ay kasabay ng pagpapa-monitor ng Pangulo sa mga ahensiya ng gobyerno  sa nangyaring fish kill o pagkamatay ng mahigit sa anim na raang toneladang isda  kamakailan.

“He ordered increased vigilance over the prices and supplies, as well as the freshness of fish sold in the market,” pahayag ni  Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Iniutos din ng Pangulo  sa  mga ahensiya ng gobyerno na magpatupad ng mga hakbang upang maliit lamang ang  maging epekto ng nangyayari ngayon sa lawa.

“The President has directed the appropriate government offices to closely monitor the situation, particularly the water quality in Taal Lake,” ayon kay Panelo.

Binalaan din ng Malakanyang ang publiko na iwasang magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa fish kill para hindi mag-dulot ng pagkabahala sa mga tao.

Tone-toneladang isda ang lumutang sa Taal  Lake dahil sa pagbabago ng temperatura at pag-angat ng asupre sa lawa.

Comments are closed.