PREVENTION EDUCATION KAILANGAN KONTRA ONLINE SEXUAL ABUSE

Senador Win Gatchalian-5

SA PAGWAWAKAS ng ‘National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation’, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng isang malawakang “Human Trafficking Preventive Education Program” upang mabigyang proteksiyon ang kabataan laban sa online sexual exploitation of children o OSEC.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture, bibigyan ng panukalang programang ito ang mga kabataan ng sapat na kaalaman at proteksiyon upang ma­sugpo ang OSEC at iba pang anyo ng trafficking. Dagdag pa ng sena-dor, tutulungan ng programang ito ang mga komunidad na magkaroon ng sapat na kakayahan upang matukoy at mapanagot ang mga kriminal.

Ayon sa “2018 Findings on the Worst Forms of Child Labor” ng United States Department of Labor, Filipinas ang pa­ngunahing pinagmumulan ng mga kaso ng OSEC sa buong mundo. Sa mga maliliit na internet cafe, mga “cybersex dens” at maging sa mga pribadong tahanan, ang mga batang biktima ng OSEC ay binabayaran ng mga customer, Filipino man o banyaga, upang magpakita ng kalaswaan.

Ayon sa International Justice Mission Philippines, may mga biktimang nasasagip na labindalawang  taong gulang pa lamang. Noong 2018, pumalo sa anim na sa 600,000 cybertips ng mga malalaswang larawan ng kabataan ang naiulat sa DOJ, mas mataas ng isang libong porsiyento sa mahigit 45,000 naitala noong 2017.

“Sa buong mundo, tayong mga Pilipino (sic)  ang naglalaan ng pinakamaraming oras sa internet at dahil din dito kaya ang ating bansa ang may pinakamaraming kaso ng online sexual abuse na sangkot ang mga bata. Nakakabahala ito kaya nais nating magka-roon ng programang magbibigay sa kanila ng proteksiyon at kaalaman para na rin sa lahat kung paano masugpo ang ganitong klaseng mga krimen,” ani Gatchalian.

Inihain noong nakaraang taon ni Gatchalian ang Senate Bill 735 o ang Human Trafficking Preventive Education Program Act na layong iangat ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan, mga programang nagbibigay proteksiyon, at ang mga panganib na dulot ng iba’t ibang uri ng trafficking tulad ng prostitusyon at sexual exploitation.

May dalawang ba­hagi ang panukalang programa: ang school-based at community programs. Saklaw ng school-based program ang mga junior high schools, senior high schools, colleges and universities, at mga technical and vocational programs. Sa mga ba-rangay naman balak ipatupad ang community-based program.

Layon din ng programang magkaroon ng mga guidance counselors at support staff na magbibigay ng proteksyon at gabay sa mga mag-aaral at out-of-school youth, lalo na ang mga biktima ng human trafficking.

3 thoughts on “PREVENTION EDUCATION KAILANGAN KONTRA ONLINE SEXUAL ABUSE”

  1. 781696 353301Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So nice to uncover any person with some authentic thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this internet site is something that is wanted on the internet, someone with a little bit originality. valuable job for bringing something new towards the internet! 705850

Comments are closed.