PREVENTIVE SCREENING PACKAGE NG PHILHEALTH VS BREAST CANCER

GOOD news sa mga kababaihan ang hatid ng Philippine Health Insurance Corporation dahil maa-avail na nang libre ang preventive screening package laban sa breast cancer.

Sinabi ni Rey T. Balena, ang Acting Vice President For Corporate Affairs ng Philhealth, na magagamit ang benepisyo sa mammogram at ultrasound ng Konsulta package.

Kaya naman labis na ikinagalak ng lahat ang pag-apruba ng PhilHealth Board dahil makatutulong ito sa mga kababaihan laban sa breast cancer.

Napapanahon din ang pag-apruba ng PhilHealth dahil ang Marso ay buwan ng kababaihan.

Gayunman, dapat magparehistro ang pasyente sa nais nilang Konsulta provider para ma-avail ang preventive screening package laban sa breast cancer.

Paglilinaw pa ng PhilHealth, libre ang mammogram at ultrasound kung pampubliko ang Konsulta provider at kung pribado ay may babayarang P900.

Ang preventive screening package ng PhilHealth ay epektibo sa Hunyo kaya dapat ngayon pa lang ay magparehistro na ang mga kababaihan sa nais nilang Konsulta provider.