PREXY NG ISKUL INAMBUSH, LIGTAS SA BALA

EARIST

MAYNILA – NIRATRAT ng bala ng hindi pa kilalang riding in tandem ang Pangulo ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at driver nito sa Paco.

Sugatan at kasalukuyan pang ginagamot ngayon at nakatakdang operahan ang mga biktima na sina Editha  Pillo, 60, walang asawa at Presidente ng EARIST na residente ng 1532 Antonio Isip, Paco, Manila at si Catalino Buenvejida, 52, walang asawa,  Chief Motorpol Services ng EARIST at naninirahan sa  Unit 34 20 Tower 2 Sun Residences Mayon St., Quezon City.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6:56 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Pedro Gil kanto ng Antonio Isip St., Paco, Manila.

Inalaam naman ang pagkakilanlan ng nag-iisang suspek na inilarawang nakasuot ng itim na helmet, black jacket at maong pants at nakasakay sa kulay itim at pu­ting motorsiklo.

Napag-alaman na pasakay si Pillo sa nakapark na Toyota na may plakang BNN 5033 na kulay puti kasama si  Buenvejida at nagpa-park sa kahabaan ng Pedro Gil kanto ng Antonio St., Paco, Manila at patungo na sa nasabing eskuwelahan nang tabihan ng motorsiklo ang kanilang sasakyan at saka agad nagpaputok sa mga biktima.

Matapos ang pa­mamaril ay tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Quirino Ave. habang naisugod pa ng mga biktima ang kanilang sarili sa Manila Doctors Hospital.

Nagtamo ng tama ng bala sa likuran si Pillo habang sa kaliwang noo naman si Buenvejida.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente maging ang motibo sa pananambang. PAUL ROLDAN

2 thoughts on “PREXY NG ISKUL INAMBUSH, LIGTAS SA BALA”

  1. 795792 343135Great post will be linking this on several websites of mine keep up the very good work. 936169

Comments are closed.