PRICE CAP NG COVID TESTS IBABABA

TINIYAK ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na ibababa na ng pamahalaan ang price cap ng COVID-19 tests sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinalakay na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang price cap para sa COVID-19 tests sa huling pulong na isinagawa ng mga ito.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi pa niya maaaring ianunsiyo sa ngayon kung magkano ito dahil ang IATF at iba pang concerned agency ang maglalabas ng polisiya hinggil dito.

“I just can’t announce it yet kung magkano and all. It’s going to be IATF and the concerned agencies, DTI and DOH, to release the policy, pero naibaba nila ‘yung price cap nitong mga test na ito,” pagtiyak pa ni Vergeire, sa isang pulong balitaan.

Bukod dito, siniguro rin ni Vergeire na bukas din ang pamahalaan sa mga rekomendasyon at panawagan na gawin nang libre ang COVID-19 testing ngayong dumarami ang bilang ng mga dinadapuan ng sakit.

Sinabi rin naman ni Vergeire na sa ngayon ay may ilang local government units (LGUs) rin ang nag-aalok ng libreng COVID-19 tests ngunit hindi tinukoy kung alin-alin ang mga ito.

“Nagbibigay po tayo ng mga libreng testing kits sa ating local governments so that they can appropriately do their active case finding at makapagbigay po sila ng libreng serbisyo para sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Matatandaang sa ilalim ng price cap na itinakda noong 2020, ang RT-PCR COVID-19 tests ay nagkakahalaga ng mula P3,800 hanggang P5,000 habang ang suggested retail price (SRP) naman para sa antigen test kits ay itinakda sa P960 upang maiwasan ang excessive pricing dito.

“Aside from that, meron pa po tayong polisiya dahil nagbibigay tayo ng mga libreng testing kits sa mga laboratoryo na kapag sila ay nagpa-test sa isang laboratory, dapat operational cost lang ang binabayaran nila dahil donated po namin ang mga kits na ‘yan,” aniya.

Tiniyak rin naman ni Vergeire patuloy ang pamahalaan sa pagpapabilis ng kanilang isinasagawang COVID-19 testing, bilang bahagi ng pagsusumikap na maibaba ang positivity rate ng 5% mula sa kasalukuyang 27.5%, na siyang itinatakda ng World Health Organization (WHO). Ana Rosario Hernandez

8 thoughts on “PRICE CAP NG COVID TESTS IBABABA”

  1. 74190 58544An intriguing discussion will probably be worth comment. I believe that you basically write significantly much more about this topic, it might become a taboo subject but normally consumers are inadequate to communicate in on such topics. To one more. Cheers 677625

Comments are closed.