NAPAKALAKING bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas ang agrikultura at ang bigas ay isa sa mga pangunahing produkto nito.
Kamakailan lamang, ang Pilipinas ay nagpasya na mag-hold off sa pag-angkat ng mga imported na bigas dahil sa mataas na presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa ilang senador, ang pagpapababa ng taripa sa imported na bigas ay nagdulot ng pagkalugi sa mga magsasaka at patuloy na nagpapahirap sa kanila.
Sa kabila nito, may mga grupo ng negosyante na nananawagan para sa pagpapababa ng taripa sa mga imported na bigas upang mabawasan ang presyo nito sa merkado.
Ang pagpapataw ng price cap sa bigas ay isang polisiya na naglalayong mapatatag at mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagpapatupad ng price cap ay “going as well as we can expect.” Gayunman, hindi lahat ay sang-ayon sa polisiyang ito.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi kinonsulta ang economic team sa pagpapatupad ng price cap sa bigas at hindi ito magtatagal dahil hindi sustainable.
Sa ksbila nito, iginiit ng economic team ng bansa ang kanilang buong suporta sa desisyon ng Pangulo na magtakda ng price cap sa bigas.
Binigyang-diin din ni Diokno ang kahalagahan ng agad na pagpapatupad ng “comprehensive set of measures aimed at securing long-term stability within the rice market.”
“Executive Order No. 39 was issued by the President as the chief executive and the concurrent secretary of the Department of Agriculture. EO 39 serves as a lifeline, extending much-needed relief to Filipinos grappling with the high rice prices,” ani Diokno.
Sa ilalim ng EO No. 39, ang mandated price ng regular milled rice ay P41 kada kilo habang sa wellmilled rice ay P45 kada kilo.
Sinabi ni Diokno na naniniwala ang economic team na ang EO 39 ay isang mahalagang stop-gap measure
Ang mga magsasaka ang pangunahing apektado ng polisiyang ito dahil maaaring magdulot ito ng pagkalugi sa kanila.
Samantala, ang intelligence operatives ay patuloy na nag-iimbestiga upang mabuwag ang mga sindikato
na nasa likod ng pagsasamantala sa presyo ng bigas.
Sa katunayan, kamakailan ay nag-inspeksiyon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa ilang warehouse na pinaghihinalaang nagho-hoard ng 202,000 sako ng smuggled imported rice. Sana ay mapanagot ang mga nasa likod nito.
Namahagi naman ng ayuda ang gobyerno mga rice retailer na naapektuhan ng rice cap sa bigas. Nag-distribute ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistsnce na nagkakahalaga ng P15,000 bawat isa, subalit mayroon ding rmga rice retailer na hindi nakatanggap ng ayuda dahil sa errors ng kanilang record.
Sa pagpapatupad ng price cap sa bigas, sino ang panalo? Ang gobyerno ba? Ang sambayanan at magsasaka ba? O ang mga negosyante? P2 bilyon ang pondong ginastos sa ayuda para sa rice retailers. What if ibinili na lang ng bigas ang nasabing halaga at ipinamahagi sa mahihirap na Pilipino? Marami sigurong nagkaroon at napasaya!