PRICE CAP SA MANOK, BABOY

BABOY-MANOK

MAGPAPATUPAD ang pamahalaan ng price ceiling sa manok at baboy sa layuning mapatatag ang presyo ng wet goods at mabawasan ang posibilidad ng pananamantala habang palapit ang panahon ng Kapaskuhan, ayon kay Trade Secretary Ramon M. Lopez.

Nagpasiya kahapon ang DTI at ang Department of Agriculture (DA) na maglagay ng price cap sa manok. Sa ilalim ng regulasyong ito, ang selling price ng poultry products ay dapat na mas mataas lamang ng hanggang P50 sa farm gate price nito.

“On chicken, we agreed [and] we will issue a formal MOA [memorandum of agreement] with the DA to impose a moving price ceiling. In other words, it will move with farm gate prices, [so that] we can control the dressing, the logistics and the trading in between the farm gate and the retailing,” wika ni Lopez.

“Our maximum cap is P50 only. We will work out the details, but, offhand, the thinking is it will be up-dated every three days, so that it will be a moving price target,” aniya pa.

Ayon sa kalihim, ang ave­rage farm gate price ng manok hanggang kahapon ay nasa P82 per kilo. Base rito, ang selling price ay maaaring umabot lamang sa maximum na P132 per kilo sa pagpapatupad ng price ceiling.

“This is what is going to happen in principle, [and] we will just put this in writing, so that we can have that SRP [suggested retail price] in place in hopefully two day time [Wednesday],” pa­liwanag ni Lopez.

Iginiit ng trade chief na ang price cap ay hindi lamang magpapatatag sa presyo ng manok, kundi magbibigay rin ito ng pressure sa traders at retailers na iwasan ang profiteering sa panahon ng Kapaskuhan. Ang mga lalabag sa price ceiling ay iisyuhan muna ng letter of inquiry para itama ang kanilang presyo.

“If they won’t, they will be issued notice of violation [and will be penalized] depending on the gravity and the size of the business. They will be given that penalty, so that we can force retailers to follow, even the traders supplying them to work within that set price,” ani Lopez.

Bukod sa poultry products, plano ng gobyerno na gawin din ito sa baboy, subalit hindi pa nila natatalakay ang regulasyon sa mga hog raiser. Ayon kay Lopez, kung sakali, ang parehong probisyon ay gagamitin sa baboy.

“Eventually, we will do this for pork, but we have yet to have an agreement with the pork people. For pork, the same rule of thumb will be implemented between farm gate and retail, but we will have to institute that also,” dagdag pa niya.

Aatasan ng gobyerno ang mga lider ng wet market associations na tiyakin na susundin ang price ceiling sa kani-kanilang lugar.

Nahihirapan ang mga economic manager ng bansa na matugunan ang mataas na ­presyo ng mga pangunahing bilihin kung saan sumipa sa 6.7 percent ang inflation noong Setyembre.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamataas na inflation sa loob ng halos 10 taon.

Ang pagpapatupad ng price cap sa mga pangunahing bilihin ay pinaniniwalaan ng mga mambabatas at consumer groups na isa sa mga hakbang na makapipigil sa pagtaas pa ng presyo. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.