PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad ng paglalagay ng price ceiling sa delivery charges sa gitna ng pagtaas ng demand para sa delivery services ngayong umiiral ang enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tinitingnan ngayon ng Consumer Protection Group ng DTI, sa pangunguna ni Undersecretary Ruth Castelo, ang delivery fees at kung posible ang paglalagay ng price ceiling.
”’Yun ang titingnan natin kung lalagyan ng cap,” ani Lopez.
Gayunman, aminado si Lopez na isang convenience ang delivery service.
“Puwede ka naman lumabas kung bibili ka sa supermarket ng pagkain… Kung ayaw mo ng delivery may choice ka naman eh,” dagdag ng kalihim.