PRICE CUT SA NOCHE BUENA ITEMS

NOCHE BUENA-3

MASAYANG iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na bumaba ang presyo ng ilang Noche Buena products, dalawang araw bago ang Pasko

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, mga manufacturer ang mismong nagdesisyon na tapyasan ang pre-syo ng kanilang Noche Buena items sa kabila ng inilabas na suggested retail price (SRP) ng kanilang tanggapan para sa holiday season.

Aniya, pawang mga tinging tindahan lamang ang kadalasang sumusunod sa SRP habang karamihan ng supermarket ay nagbebenta naman ng mas mababa sa SRP bulletin.

Nangako siyang pa­tuloy na tututukan ng DTI ang lahat ng pamilihan sa bansa hanggang sa matapos ang taong 2018.

Samantala, sa North Cotabato ay walang pagbabago sa presyo ng Noche Buena items at abot kaya pa rin.

Inihayag ni Kenn Wong, consumer protection chief of DTI-North Cotabato, na mula pa noong  Oktubre 13, hindi pa rin nagbabago ang presyo ng Noche Buena items isang indikasyon na mananatili ito hangganga sa katapusan ng buwan dahil ang presyo ng krudo ay patuloy pa ring bumababa.

“The DTI is closely monitoring the prices of processed foods like hams, queso de bola, among others at the start of the month but no changes in the suggested retail prices,” ani Wong sa isang panayam.

Pinaalalahanan ni Wong ang mga kons­yumer na manatiling mapagbantay at siguruhin na konsiderahin ang mga petsa ng paggawa at expiration at price tags ng kanilang bibilhin ngayong Kapaskuhan.

Hinimok din niya ang mga konsyumer na magreport sa mga awtoridad kung may mga manlolokong negos­yante ang magsasamantala ngayong holiday season na magtataas ng presyo para magawan ng aksiyon laban sa kanila.

Sa Cotabato City, nananatili ring matatag ang presyo ng grocery items at iba pang pangunahing pangangailangan.   PNA

 

Comments are closed.