PRICE FREEZE SA 3 BAYAN SA BULACAN NANATILI – DTI

Zorina Aldana

NILINAW ng Department of Trade and Industry  (DTI)  na  mananatili  ang  price freeze sa mga pangunahing bilihin sa tatlong bayan sa Bulacan na lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na pagbaha sanhi ng magkakasunod na bagyo.

Ito’y matapos isailalim sa  state of calamity ang bayan ng Paombong, Calumpit at Marilao.

Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan ay sinalanta ng bagyong Henry at bagyong Inday ang mga nabanggit na lugar.Kung saan malaking bahagi ang lumubog sa baha dala ng bagyo na pinaigting ng habagat at hightide.

Ayon kay DTI Provincial  Director Rhine Aldana, mananatili ang price freeze ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke, super market at mga groceries store.

Samantala, mananatili naman ang pagbabantay ng Bulacan Consumers Affairs Council at ng Local Price Coordinating Council mula nang ideklara ang 60 araw na State of Cala­mity.

Sa tala ng ahensiya, ang iba’t ibang brand ng sardinas ay mananatili ang presyo sa halagang P14 hanggang P16.15 habang ang presyo ng mineral water ay depende sa klase mula sa maliit na bote na naglalaro sa halagang P6-P12 at P72 naman para sa 6 na litro.

Sa ibang uri ng de lata tulad ng meatloaf, nasa P16.95 hanggang P19.45, corned beef na nasa P26.50 hanggang P35.80 at ang beefloaf na nagkakahalaga ng P16.85 hanggang 24.90.

Habang nanatili naman sa P37.50 hanggang P72 ang presyo ng kandila; ang isang bote ng suka ay nasa P13.50-P14.00; ang  refill pack ng patis ay nasa P6-P6.50 habang nasa P19.00-P21.00 kada bote; toyo na nasa P15.75-P16.50 kada bote habang ang refill pack naman ay naglalaro sa P8.00-P8.50. Ang noodles naman ay nasa P6.30-P7.30,  depende rin sa brand; iodized salt na nasa P6.00-P16 at marami pang iba tulad ng kondensada, kape at tinapay. THONY ARCENAL

9 thoughts on “PRICE FREEZE SA 3 BAYAN SA BULACAN NANATILI – DTI”

  1. 980326 156269A person essentially lend a hand to make significantly articles I might state. That may be the extremely 1st time I frequented your site page and up to now? I amazed with the research you made to create this specific publish incredible. Excellent activity! 188159

  2. Hiya, I’m really glad I’ve found this info. Today bloggers publish just about gossips and web and this is really annoying. A good website with exciting content, this is what I need. Thanks for keeping this web-site, I will be visiting it. Do you do newsletters? Can’t find it.

  3. 644221 708602Generally the New york Weight Loss diet is undoubtedly less expensive and flexible staying on your diet scheme intended for measures nevertheless quick then duty keep a nutritious daily life. weight loss 620550

Comments are closed.