NAGPATUPAD na ng price freeze ang Department of Energy (DOE) para sa cooking gas at kerosene sa Batangas.
Ayon kay Energy Usec. Felix William Fuentebella, awtomatikong epektibo ang price freeze sa kerosene at LPG products sa la-lawigan matapos itong isailalim sa State of Calamity.
Ibig sabihin, hindi maaaring gumalaw ang presyo ng mga ito sa loob ng 15 araw.
Ang Batangas ay nasa State of Calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Bulkang Taal.
Samantala, ilang kompanya ng langis ang nagpatupad ng tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Nagpatupad kahapon ng alas-12:00 ng madaling araw ang Chevron ng 20-centavos na bawas sa kada litro ng diesel habang 30-centavos sa kerosene.
Ganito rin ang ipinatupad na price adjustment ng Flying V, Petron, Pilipinas Shell, PTT Philippines at Total Philippines kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Una nang nagpatupad ng oil price rollback ang Cleanfuel at Seaoil.
Comments are closed.