PRICE FREEZE SA NOCHE BUENA ITEMS IBINASURA

DTI Undersecretary Ruth Castelo

HINDI maaaring magpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga produktong karaniwang mabili tuwing Kapaskuhan.

Paliwanag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, ito ay dahil hindi kabilang sa basic goods ang mga Noche Buena  product.

Tiniyak naman ni Castelo na hindi nila papayagang magtaas ng sobra ang mga producer at manufacturer ng naturang mga produkto.

Aniya, humihiling ng 1 hanggang 3 porsiyentong taas-presyo ang ilang manufacturers ng mga produktong pang-Noche Buena tulad ng hamon.

Gayunman, kanila pa aniyang pinag-aaralan kung pahihintulan ang naturang kahilingan.

Samantala, ipinahiwatig naman ni Castelo ang posibilidad ng pagtaas sa suggested retail price (SRP) ng mga itinuturing na basic necessities and prime commodities.    DWIZ 882

Comments are closed.