TUMUGON ang ilang manufacturers ng Noche Buena items sa panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) na huwag magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto sa gitna ng COVID pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nagpapasalamat sila sa pagsang-ayon ng ilang kompanya sa kanilang panawagan.
“Nagne-negotiate tayo sa mga kompanya na bago mag-increase at nagpapasalamat kami na nakinig naman sila,” sabi ni Lopez.
Kabilang sa mga tumugon sa panawagan ng ahensiya ang mga kompanyang Century Foods, CDO at Virginia Foods na kilalang gumagawa ng mga hamon.
Binanggit din ni Lopez ang ilang household brand names tulad ng Ladys’ Choice at UFC na kabilang sa mga manufacturer na hindi magpapatupad ng price hike sa kanilang mga prdukto.
Gayunman, sinabi ni Lopez na may ilang kompanya na humihiling sa DTI ng 1% hanggang 2% na pagtataas sa presyo ng kanilang mga produkto,
“I-prove ninyo kung bakit mag-i-increase kung tumaas ba ang cost ninyo?” tugon ni Lopez sa mga manufacturer.
Comments are closed.