DAHIL sa paglawak ng takot laban sa karne ng baboy bunsod ng African Swine Fever (ASF), may mga ulat na nananamantala na rin ang tindero ng gulay at isda at nagtataas na ng kanilang presyo.
Ayon sa source ng PILIPINO Mirror, maging sa mga bangketa lang na nagtitinda, ang tatlong piraso ng kamatis ay nasa P20 na.
Ayon sa mga vegetable vendor na tumaas ang bilang ng bumibili ng gulay kaya naman mabilis mau-bos ang mga ito at hindi agad nakapagde-deliver kaya napipilitan silang magtaas.
Gayunman ang pasimpleng pagtataas ng presyo ay hindi umano awtorisado ng Department of Trade and Industry.
Kabilang sa mga gulay na mabili ngayon ay ang kangkong, talong, kalabasa, ampalaya na bahagyang tumaas ang presyo.
Habang ang presyo ng mga isda gaya ng bangus at tilapya ay may bahagyang pagtaas. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.