NAPIPINTONG magkaroon ng pag taas ng presyo sa mahigit na 50 uri ng pangunahing bilihin kaugnay ng pag galaw sa listahan ng suggested retail prices (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nakikita na magkakaroon ng pagtaas ang ilang brand ng sardinas ng P0.40 hanggang P1.30.
Ang condensed at evaporated milk ay napipintong magtaas ng P0.50 hanggang P1.20.
Ilang brand ng detergents ang tumaas ng P0.75, at kahit asin ay tumaas ng P2.20, habang ang ibang panimpla ay tumaas ng P0.30 hanggang P1.25.
Ipinaliwanag ng DTI Assistant Director Lilian Salonga na ang pagtaas ng presyo ay dahil sa itinaas ng raw materials.
“Ang sardinas, ang kaniyang prime component of course is tamban. Ito ay nagkaroon ng pagtaas ng 35 percent to 37 kasama na rin ang kanilang ingredients… tinitingnan natin na reasonable ang bawat adjustment. To the centavo kino-compute namin ‘yan,” sabi ni Salonga.
Sa pamantayan, ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin noong nagdaang Pebrero ay nasa pitong porsiyento.
Sa parte naman ng advocacy group na Laban Konsyumer, sinabi nito na hindi sana pinayagan ng gobyerno ang naturang pagtaas.
“Mayroong maximum six to 12 percent inflation or increase from the old SRP nu’ng December. Napakalaki ‘yan,” diin ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.
Pero napansin ng DTI na ang manufacturers ang umako ng karamihang bigat dahilan sa pagtaas ng produkto ng petrolyo noong nakaraang taon.
“Ang mga prime commodities lalo na non-agricultural manufactured goods ay hindi ito umi-increase ng even one percent so makikita natin kung ito man ay nag-adjust ng panahong ito hindi ito makaka-contribute ng malaki,” paliwanag naman ni Salonga.
Comments are closed.