INIHAYAG ng Petron Corporation kahapon na magpapatupad sila ng pagtaas ng presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) at produkto ng Auto LPG.
Sa isang abiso, sinabi ng kompanya ng langis na magdaragdag sila ng presyo ng LPG ng 25 sentimo bawat kilo, at presyo ng Auto LPG ng 15 sen-timo bawat litro.
Magsisimula ang taas-presyo simula alas 12:01 ng Linggo, Disyembre 1.
Ayon sa Petron, na ang itinaas na presyo ay sumasalamin sa international contract price ng LPG para sa Disyembre.
Samantala, sakit agad sa ulo ang bubungad sa mga motorista sa pagpasok ng Disyembre dahil sa inaasahang oil price hike, ayon sa mga taga-industriya.
Narito ang tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo sa Disyembre 2: diesel, P0.50-P0.60 kada litro; gasolina, P0.20-P0.30 kada litro; kerosene, P0.50-P0.60 kada litro.
Comments are closed.