NAGBABADYA ang pagtaas sa presyo ng semento kapag ipinagpatuloy ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang plano na magpataw ng safeguard duty sa mga imported cement, ayon sa report.
Sinabi ng DTI na ang pagpapataw ng safeguard duty sa imported cement ay magpoprotekta sa mga manufacturer ng local cement pero ayon sa Philippine Constructors Association (PCA), hindi na kailangan ng local manufacturers ang proteksiyon dahil malaki na ang kanilang kinikita.
“Natural lang na tataas ang presyo ng semento dahil ang puhunan ay tataas din, so ‘yan ho ang isang concern ng PCA. Magkaroon ng shortage tapos magkaroon ng pagkulang ng semento, made-delay po lahat ng Build, Build, Build projects,” pahayag ni PCA director Ferdinand Co.
Sa rami ng infrastructure projects sa ilalim ng Duterte administration ang Build Build Build program, gayundin ang construction ng maraming condominiums, bahay, commercial buildings, sinabi ng PCA na magkakaroon ng pangangailangan sa imported cement dahil hindi kakayanin ng local manufacturers na makapag-supply ng malaking demand.
Pero, kahit na kinokonsidera ng DTI ang posibilidad na magpataw ng bagong taxes sa imported cement, alanganin na ang importers na mag-angkat ng semento.
“Importers are starting to be reluctant to place an order of incoming cement because we might be caught with a sudden imposition of provisional safeguard measure,” sabi ni Napoleon Co, president of the Philippine Cement Importers Association.
Sa parte naman ng DTI, sinabi nila na wala pang paggalaw sa presyo ng semento
“Wala pa tayong movement but DTI is investigating it. We have to check also kung tama ba ‘yung income, ‘yung revenue na nakukuha ng government dito sa mga importer na ito, and of course, ‘yung standard ng semento,” pahayag ni DTI undersecretary Ruth Castelo.
Comments are closed.