UNSTOPPABLE nang maituturing ang kasikatan na tinatamasa ngayon ng lead stars ng super hit na teleseryeng “Prima Donnas” na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo.
Bawat isa sa mga nabanggit ay may kanya-kanyang hukbo ng mga tagahanga kung kaya hindi talaga maiwasan na dumugin at dagsain ang kanilang mga mall tours. At siyempre dahilan sa mga tween stars pa ng mga ito ay medyo wild at maiinitin ang kanilang mga followers na karamihan ay pawang kasing edad nila.
Apektado na rin daw ang apat na Prima Donnas sa away ng kanilang mga fans kung kaya unti-unti na raw nagkakaroon ng lamat ang nagsisimulang magandang samahan nila. How true?
Ayon kay Jillian, wala raw katotohanan ang tsikang ito. Super close daw silang apat at parang tunay na magkakapatid ang kanilang turingan, walang inggitan at isang magandang samahan.
o0o
SA pinaka-latest movie na ginawa ni Shaina Magdayao, na masuwerteng napasama sa kauna-unahang Summer Metro Manila Filmfest, na sinulat ni Ricky Lee, ay kakaibang Shaina ang mapapanood ng kanyang mga followers.
Bukod kasi sa kanyang acting ay daring at palaban ang young actress sa kanyang mga sexy and love scenes. Say nga ng director ng naturang pelikula, nang i-alok niya ang movie kay Shaina ay sinabi nitong may mga daring scenes siyang gagawin. At kung nais pa ni Shaina na baguhin ito para maging komportable siya sa mga maseselang eksena.
Sinagot lang daw siya ng young actress na kung gusto ba ni direk na magpakita rin siya ng puwet. At doon lang sa katagang iyon ay nakahinga na ng maluwag ang director.
Isa sa dahilan kung bakit walang gatol na tinanggap ni Shaine ang offer ay ang kagandahan ng istorya ng movie. Challenge kay Shaina, kung saan ay isang free spirit girl ang karakter niya at mabilis magsalita. May bed scenes pa nga si Shaina na kailangan pa niyang magbad mouth sa kanyang katalik. Kung kaya bukod sa kanyang director ay all praises din ang kanyang leading man na si Alfred Vargas.
Ani ni Alfred, very cooperative raw itong si Shaina at naka-focused sa kanyang role. Walang kiyeme.
Ani ni Shaina, buong ningning niyang tinanggap ang role, dahilan sa actress siya at after the shooting naman ay balik na siya sa tunay niyang pagkatao. Ika nga walang personalan, trabaho lang para kay Shaina.
Comments are closed.