PRINCESS PACQUIAO PINASOK NA RIN ANG VLOG WORLD; JIMWELL NO-NO SA BOXING

PRINCESS PACQUIAO

PINASOK na rin ng bunsong anak ni Senador Manny Pacquiao na si Princess ang reflectionpagba-vlog. And in fairness, umani agad ng mara­ming views ang videos na in-upload niya.

Ilan dito ang napanood namin kabilang na ‘yung house-tour video na ginawa niya. Inisa-isa ni Princess ang kuwarto ng kanyang mga kapatid na sina Jimwell at Michael pati na ang room nila ng ate niya na si Queenie.

Magkakaiba ang hilig ng mga anak ni Sen. Manny at Jinkee. Mahilig sa art si Michael habang medyo seryoso itong si Jimwell.

Music at basketball ang kinahihiligan ni Michael. Dahil mahilig sa music, may na-compose na raw si Michael na mahigit na 30 songs. Pero music lang daw at wala pang lyrics.

Si Jimwell naman ay seryoso sa kanyang studies pero gusto raw niyang maging boxer. Can’t blame him, alam ninyo na kung bakit.

Kaya lang, it’s big NO-NO ito kay Jinkee at gayundin kay Sen. Pacquiao. Hindi na kailangan ni Jimwell na makipagbasagan ng mukha para magka-career.

Kumbaga, one boxer is enough para sa household ng boxing legend.

‘Tsaka, sayang naman ang kaguwapuhan ni Jimwell kung gagawin lang punching bag ng kalaban niya ‘noh?

PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA NILINAW ANG MGA ISYU SA KANYANG OPISINA

BINIGYANG-linaw ni PAO (Public Attorney’s Office) Chief Atty. Persida Acosta ang isyu ng paglilimita sa kanyang opisina ng Kongreso from using its Forensic  Laboratory Division plantilla personnel.

Nais ng PAO na hilingin kay Pres. Rodrigo Duterte to veto the GAA for 2020 with regards to the special provision inserted by the minority led by Cong. Edcel Lagman, ang paglilimita sa PAO na gamitin ang Forensic Laboratory Division.

Naniniwala si Atty. Persida na may hidden agenda ang grupo ni Cong. Lagman kasama ang ilang Senador sa pagpapalimita sa FLD na siyang ginagamit ng PAO  sa pag-iimbestiga nila ng mga kaso ng mga mahihirap na biktima.

Dalawa ang inilahad na grounds ni Atty. Acosta kaya nagsampa sila ng panawagan kay Pres. Duterte.

Una, unconstitutional daw ang pagi-insert ng kautusan na pagli-limit sa PAO from using ang kanilang Forensic Laboratory Division. Na-violate raw nito ang Art. 3 Sec. 1 ng 1987 Constitution re- due process clause.

Pangalawa, contrary to law since it is against Section 9, of Anti-Torture Act (Republic Act 9745) na nagtatalaga sa kapangyarihan ng PAO to investigate torture cases.

Ang Dengvaxia ay kasama sa pharmacological torture and other ho­micidal, cases of minors like Kian delos Santos, Carl Arnaiz and Kulot de Guzman where PNO police officers were sued by PAO thru its Forensic Laboratory findings.

Kapag mga pulis at mga taga-NBI daw ang respondents, saan pa raw lalapit ang mga mahihirap na biktima para mag-avail ng forensic services, if there is a conflict of interest.

Pahayag  naman ni Atty. Erwin P. Erfe, Designated Director ng PAO Forensic Laboratory, nag-recommend  na raw ang PAO Forensic Laboratory ng Temporary Suspension of Forensic Activity pending the decision of the President whether to veto or not the provisions in the GAA of 2020.