BALIK-PELIKULA ang US-based actress na si Princess Punzalan dahil kasama siya sa pelikulang “Yellow Rose” kung saan kasama niya ang dalawang alumni ng Miss Saigon na sina Lea Salonga at Eva Noblezada.
Ayon pa kay Princess, sobrang excited siya na makasama ang dalawang world-class performers sa isang musical.
Masaya rin si Princess na maging bahagi ng pelikulang ang tema ay napakalapit sa kanyang puso.
“It is a very relevant movie, because it touches the issues of undocumented immigrants. It’s my first movie that will be understood by my US family without using an interpreter,” paliwanag niya.
Isang magaling at premyadong actress si Princess bago nagpasyang manirahan sa Estados Unidos ay namamayagpag ang career sa telebisyon.
Pamilyar ang TV audience sa kanyang role bilang Selina Matias sa teleseryeng “Mula sa Puso”.
Huling napanood siya sa TV series na “The Story of Us” na pinagtambalan noon nina Kim Chiu at Xian Lim.
Si Princess ay panganay na anak ng namayapang actress at broadcaster na si Helen Vela na sumikat sa kanyang drama anthology na “Lovingly Yours, Helen.”
BOOTS UPDATED SA SOCIAL MEDIA
KAHIT produkto ng dekada ’70 at isa nang certified senior citizen ang beteranang actress na si Boots Anson-Roa, nakasasabay raw naman siya sa mga bagong teknolohiya sa ngayon.
Katunayan, lumabas siya noon bilang groovy at techie na lola sa “Lola Basyang”.
“I do Facebook, cellphone and email. Iyong Facebook ko, it’s really more for private use for my family and friends. Hindi ko siya ginagamit to promote myself. But if you’re out to promote yourself, if you’re in showbiz or if you’re in the public limelight, magaling iyon. Malaking tulong iyon,” sey niya.
Nagbigay din siya ng kanyang mga obserbasyon sa millennials noon at ngayon.
“Ang millennials ngayon, mas marunong kesa sa mga millennial noong panahon namin.They’re wiser, they’re smarter. Mas streetwise pati kasi sa exposure nila sa media especially sa social media, mas malawak ang kanilang kaalaman,” deklara niya.
Hindi rin daw naman siya nahirapan na mag-adjust sa pakikisalamuha at pakikipagtrabaho sa mga ito.
“Iyong young people that I’ve worked with, okey naman sila,” pakli niya.
Partly, nag-agree naman siya sa obserbasyon na mas relaxed ang mga millennial ngayon.
“Puwedeng ganoon. It doesn’t mean naman na relaxed ka, hindi ka na committed. Hindi ka lang siguro usi,” aniya. “Iyong commitment naman comes with age. Habang lumalaganap ang taon, nagkakaroon naman sila ng greater commitment. It will spring forth to a greater appreciation of what they have, of their work,” dugtong niya.
Kasama si Boots sa cast ng “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” kung saan ginagampanan niya ang role ng lola ni Sue na nagpa-realize sa kanya na puwedeng mabuhay ang isang tao na walang internet.