PRINGLE, AGUILAR, MATTHEW BALIK GILAS VS QATAR

Stanley Pringle, Japeth Aguilar at Matthew Wright s

BALIK na sina Stanley Pringle, Japeth Aguilar at Matthew Wright sa roster ng Filipinas laban sa Qatar ngayong araw sa Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Ang tatlo ay kasama na sa 12-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa closed-door duel sa Araneta Coliseum.

Sa statement na ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon, makakasama ng tatlo sina Scottie Thompson, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Paul Lee, Ian Sangalang, Gabe Norwood, Asi Taulava, Beau Belga at JP Erram.

“After careful deliberation, SBP fully supports the roster adjustment proposed by coach Yeng Guiao,” wika ni SBP president Alfredo S. Panlilio.

Pinalitan ni Pringle si Christian Standhardinger bilang naturalized player ng koponan, habang sina Aguilar at Wright, hindi nakapaglaro sa laban ng Nationals kontra Iran noong Huwebes dahil sa one-game suspension, ay pumalit kina Allein Maliksi at Raymond Almazan.

Ikinatuwa ni Panlilio ang pagbabalik nina Aguilar at Wright, sinuspinde ng isang laro dahil sa pagkakasangkot sa rambulan laban sa Australia noong nakaraang Hul­yo, sa koponan, na inaasahang babawi sa 73-81 pagkatalo sa Iran sa Tehran.

“Japeth’s quickness,  perimeter scoring as well as his above the rim athleticism combined with his vast experience in the international brand of play will surely be an added boost in our battle against Qatar,”ani  Panlilio.

“Matthew Wright is a knock-down shooter from the three-point area. We struggled mightily against Iran because we couldn’t shoot from the outside, with him on-board, hopefully, that problem will be addressed.”

Sasandal din ang Gilas sa  guard play at bilis nito laban sa kulang sa taong Qatar side, na hindi makakasama ang ilang key players nito dahil sa injuries.

“The inclusion of Stanley Pringle will add stability in our guard rotation as we want to take advantage of our quickness against the guards of Qatar,” dagdag pa ni Panlilio.

Comments are closed.