PRINGLE NAPASAYA SA HULING SANDALI ANG KAIBIGAN

on the spot- pilipino mirror

WALANG Philippine Team na sasabak sa 2021 FIBA 3×3 Lipik Challenger.

Kapos na sa panahon para sa hinihintay na Croatian visa, nagdesisyon ang pamunuan ng Manila Chooks TM na bawiin ang partisipasyon sa  liga na nakatakda kahapon at bukas sa Croatia.

Nitong Mayo 7 pa ipinadala ng koponan ang visa application sa Jakarta, Indonesia dahil walang embahada ng Croatia sa Filipinas, ngunit hanggang  Mayo 19 ay hindi pa nabigyan ng visa sina Chico Lanete, Mac Tallo, Zach Huang, at Dennis Santos.

“There are things that we have no control of and this is one of them,” malungkot na pahayag ni Chooks 3×3 owner Ronald Mascariñas. “Since 2019, this is the first time that we had to pull out from a FIBA 3×3 tournament and the players were really looking forward to it.

“But the challenges of the ongoing COVID-19 pandemic made it hard for us to obtain our deligation’s visas,” aniya.

Nakatakdang sumabak ang Manila Chooks TM sa qualifying draw na  pinaghandaan pa naman ng koponan na nag-ensayo sa bubble set-up sa Lucena Convention Center sa ­Quezon.



Nakikiramay kami sa pamilya ng kaibigan naming si Beck Bontostro na solid Ginebra fan at numero unong supporter noong dekada 80 nina Dondon Ampalayo,  Rudy Distrito at higit sa lahat ni coach Sonny ‘Big J’ Jaworski. Ang huli nga ay itong si Stanley Pringle. Grabe kung magmahal sa mga player ng Gin Kings si Ms. Bontorostro na kahit saan na  may event  ang kampo ng Ginebra ay naroon siya para suportahan ang team.

Nakalulungkot lang kasi ang bilis ng pangyayari, isang buwan lang nang malaman na may cancer siya sa ovary. Pero bilib ako sa kanyang katapangan. Lumalaban siya, bawal malungkot , bawal umiyak, at nagpapakatatag. Kaso siguro ay hanggang doon na lang ang buhay na ipinahiram ng Panginoong Diyos sa kanya. Hindi ka na  namin makikita kada laro ng Brgy Ginebra. Alam naming nasa paligid ka lang at nagtsi-cheer sa paborito mong team at ang bago mong idol na si Stanley Pringle.

Speaking of Pringle, hindi ka nagkamali sa  pag suporta sa kanya. Kasi marunong siyang magpahalagar sa tulad mong fan. Hindi ka niya itinuring na fan lang kundi bilang isang malapit na kaibigan. Ramdam ko ang pagpapahalaga ng Fil-Am player na ito sa kanyang mga supporter. Nang  ipaalam ko sa kanya na patay na si Beck, tawag agad siya sa akin. Ang daming tanong ni Stan. Ano’ng nangyari kay Ma’am Beck, kay Ate Beck? Kung sino’ng  puwedeng kausapin sa pamilya niya, ‘yung phone ba ni Beck puwedeng tawagan. Ganun ‘yung mga sunod-sunod na tanong ng basketbolista.

Siguro Beck, nakikita mo ‘yung pagpapahalaga ni Pringle sa’yo. Malamang ay abot-tainga ang ngiti mo. Sa huling sandali mo ay tagumpay ka, napatunayan mo na NAPA-KABAIT ni Stan.

Salamat sa tulong mo, Stanley Pringle sa huling sandali ng iyong masugid na fan at kaibigan. Napasaya mo siya sa huling sandali niya sa mudong ibabaw.

Bye for now, Beck.

9 thoughts on “PRINGLE NAPASAYA SA HULING SANDALI ANG KAIBIGAN”

  1. 638816 952599Hello, Neat post. There is an problem along together with your site in web explorer, could test thisK IE nonetheless could be the marketplace leader and a huge portion of other folks will miss your magnificent writing because of this difficulty. 872422

  2. 585337 287424Thank you for the auspicious writeup. It in truth used to be a amusement account it. Glance complex to a lot more added agreeable from you! Nevertheless, how could we be in contact? 344835

Comments are closed.