PRINSIPYO NG FENG SHUI SA INYONG BAHAY

DAHIL katatapos lamang ng Chinese New year at officially ay year of the Tiger na, pag-usapan natin ang mga epekto nito sa ating bahay.

Ang main goal ng Feng Shui ay papasukin ang positive energy o “Chi” at hayaan itong makaikot sa ating bahay ng maayos. Sa Feng Shui, may mga prinsipyong pinag-uusapan: ang limang Elemento, Mapa ng Enerhiya Map o Bagua Map, Paggamit ng Kulay, at Command Position. Magkakaugnay ang mga prinsipyong ito upang makagawa ng harmony at balance, upang maabot ang magandang Feng Shui sa inyong tahanan.

Ang Limang Elemento

May Limang Elemento sa Feng Shui: Kahoy, Apoy, Lupa, Metal, at Tubig. Ilalagay ang mga Feng Shui elements na ito sa tamang lugar upang mapaayos ang daloy ng Chi sa inyong bahay.

Wood

Wood ang elementong para sa kalusugan, lakas, at paglago at ito rin ang elemento ng kasaganaan. Sinisinbulo nito ang kulay berde at brown, at ang main decorations para sa elementong ito ay malulusog na halaman, green pillows o almohadon, larawan ng mga halaman at iba pang tulad nito.

Fire

Fire ang elemento ng pagmamahal, romansa, at pag-ibig, na nagpapakita ng kaligayahan at pagkamalikhain. Ipinakikita ito sa kulay pola, matingkad na dilaw, orange, pink, purple, at magenta. Kung gusto ninyong magdagdag ng element of fire, gumamit ng mga dilaw na kandila, dilaw na lampshades, o anumang maliwanag na bagay. Pero iwasang maglagay ng masyadong maraming bright objects dahil baka masobrahan

Earth

Earth ang sumisimbulo sa katatagan at suporta, at nagbibigay ito ng sense of groundedness at kapayapaan. Ipinahihiwatig ito sa kulay na beige, sandy, o taupe shades, at mga dekorasyong tulad ng palayok, larawan ng mga landscapes, o mga bagay na kulay lupa.

Metal

Ang Metal element ay nagpapahayag ng disiplina, husay, at pagkaproductibo, at kapayapaan na rin, paglilinaw, at pagpapagaan ng dalahin. Ang kulay nito ay puti at gray. Pwedeng dekorasyon ang metal frames o bowls, putting unan o rugs, o kahit anong dekorasyong kulay gray.

Water

At panghuli, ang pinakamakapangyarihang elemento, ang tubig na nagbibigay ng sense of flow at renewal. Sumisimbolo ito sa kasaganaan at ang representasyon nito ay kulay asul at itim. Kung gustong magdagdag ng water element, gumait ng salamin, fountains, larawan ng tubig at iba pang katulad na bagay.

Ngayon, saan natin ilalagay ang mga napili nating sekorasyon? Kunsultahin natin ang Bagua Map.

Ang Mapa ng Bagua

Ang Bagua map ay energy map ng Feng Shui na ibinabagay sa floor plan ng bahay. Ang ibig sabihin ng “Bagua” ay walong dereksyon. Bawat direksyon ay representasyon ng aspeto ng aspeto o pagkakataon sa buhay at ng elemento. Sa gitna nito ay ang Chi, na representasyon naman ng balance and vitality. Ang mapa ay tumutulong upang malaman ang lugar sa iyong bahay na dappat ayusin na may kinalaman sa aspeto ng buhay na gusto mong palakasin.

Ang Bagua map ay base sa floor plan kung saan ang pinto ng bahay ay kinukunsiderang norte. Ito ang mga aspeto ng buhay, ang kanilang direksyon sa bahay base sa Bagua Map, at ang kanilang nararapt na element.

  • Southeast – Wealth and Prosperity – Wood
  • South – Fame, and Reputation – Fire
  • Southwest – Partnership, and Marriage – Earth
  • West – Children and Creativity – Metal
  • Northwest – Helpful people and Travel – Metal
  • North – Career and Life Journey – Water
  • Northeast – Knowledge, and Wisdom – Earth
  • East – Family, and Health – Wood

Ang Bagua Map

Kung i-incorporate ang Bagua sa inyong floor plan, mag-focus lamang sa tatlong lugar dahil sapat na iyon upang mapalakas at mapabuti ang positibong pagdaloy ng enerhiya. Halimbawa, nais ninyong mag-focus sa pamilya at kalusugan, kaya ayusin ninyo ang eastern part o silangang bahagi ng inyong bahay at lagyan ito ng wood element.

Sana po ay may napulo t kayo at hanggang sa muli.  JAYZL VILLAFANIA NEBRE