PRINTED MODULES AALISIN NA SA ONLINE LEARNING

Leonor Briones

KASALUKUYANG pinag-aaralan   ng Department of Education (DepEd) na alisin ang printed modules sa blended learning ng mga estudyante sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na  ikinokonsidera nilang gamitin muna ang mga istasyon ng radyo at telebisyon sa pagpapa-abot ng mga aralin ng mga bata.

Sinasabing masyado nang magastos ang pag-print ng module lalo’t kailangang mag-imprenta muli dahil sa pagkasira dulot ng mga nagdaang bagyo.

Pinag-aaralan din ang paggamit ng two-way radio gaya ng ginagawa sa lalawigan ng Apayao.

Ilang eskuwelahan na rin sa  Metro Manila  ang unti unti nang hindi gumagamit ng modules dahil ang karamihan naman sa aralin ng mga ito ay naka-upload na sa tablet. NENETH VILLAFANIA

Comments are closed.