PRIORITY BILLS UMUSAD

IKINAGALAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-usad ng kanyang mga priority bills at umaasang maipapasa ang mga ito bilang batas upang suportahan ang kanyang agenda sa pag-unlad.

Ayon sa Punong Ehekutibo na ang mga priority bills sa kanyang 2022 State of the Nation Address (SONA), ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng administrasyon para sa bansa, partikular na ang 8-point socioeconomic agenda.

Kabilang sa kanyang na-certify bilang urgent ay ang Fiscal Year 2023 General Appropriations Bill, Amendments to Republic Act (RA) No. 11709 (AFP Professionalism), Maharlika Investment Fund, ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program.

Ayon sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), hanggang Enero 18, sampu sa 20 priority legislative measures ng SONA ang naipasa ng House of Representatives at ipinadala sa Senado.

Kasama sa mga hakbang na ito ang Tax Package 4: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Bill, Tax Package 3: Real Property Valuation and Assessment Reform Act (HB No. 6558), Internet Transaction Act o ang E-Commerce Law and Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries.

Ang paglikha ng Medical Reserve Corps, Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC), Virology Institute of the Philippines at pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law ay kabilang din sa mga prayoridad na batas.

Ang natitirang 10 SONA priority bills ay nasa komite sa parehong kapulungan ng Kongreso.
Kabilang dito ang Department of Water Resources (DWR), E-Government/Governance Act, Government Rightsizing Program (GRP), National Land Use Act, Budget Modernization, Natural Gas Industry Enabling Law, EPIRA (RA 9136) Amendments, MUP Pension Reform, at National Defense Act.

May mga panukalang batas na sinertipikahang urgent ng Pangulo at ng iba pang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC)-priority bill na naipasa na ng mababang kapulungan ngunit nakabinbin pa rin sa Senado.

Kabilang sa LEDAC-priority bill ang New Passport Law, Leyte Ecological Zone, Waste Treatment Technology, Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel, Eastern Visayas Development Authority, Revised National Apprenticeship Program at ang Magna Carta of Barangay Health Workers.

Kabilang sa mga isinusulong ng Executive Department, batay sa direktiba ng Pangulong Marcos, ay ang Maritime Industry Authority (MARINA) Regulatory Functions, Amendment to RA No. 8172 o ASIN Law Amendment, Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) (para sa ratipikasyon ng Senado), at Anti-Agricultural Smuggling Act. EVELYN QUIROZ